Hugas kamay lamang ang ginagawa ng Pangulo ng Pilipinas sa bawat mga pagkakamali ng kanyang administrasyon. Tela ba nililihis ang naturang mga kabiguan nya bilang isang pangulo ng bansa at sinisisi nya ito sa napalitang administrasyon.
Una na dito ang problemang responsibilidad daw na pinasa ni CGMA sa kanya noong sya ay nahalal na Pangulo. Sa akin lamang, kung hindi nya kaya ang responsiblidad na pinasa sa kanya ay bakit pa tumakbo bilang isang Pangulo ng Pilipinas. Ang gusto nya ba ay ipasa sa kanya ang responsibilidad na maayos at wala na syang gagawin kundi magpakasarap na bigay ng naunang administrasyon? Tumakbo syang pangulo ng Pilipinas upang ayusin ang mga gusot kaya dapat lamang na asahan nya ang mga problema ng bansa na ngayon pasan na nya.
Ang krisis na nangyari sa August Hostage Crisis, bakit sya mag huhugas kamay na kasalan ito ng naunang administrasyon dahil sa walang sapat na kaalaman ang mga kapulisan sa pag rescue na naikamatay ng mga dayuhan? Nakakahiya ang mga sinasaad nya sa media na minsan ay nakakairita nang pakinggan. Sya na ang nasa pwesto noong maganap ang mga pangyayaring iyon at bakit isisi pa nya kay CGMA na kung saan wala na ito sa pwesto. Sya ang dapat kumilos dahil sya na ang may kontrol. Dapat pa ba nyang tawagin si Gloria para humingi ng tulong? Nakapa iresponsable naman.
Tela ba namumuro na at ginagamit nya ang kanyang popularidad upang ilihis lahat ang mga pangyayari. Marami parin ang hindi nakakaintindi at lahat ng tao sa Pilipinas ay naniniwala parin sakanya. Ibig sabihin lamang nito na sa bawat salita ng Pangulo ay paniniwalaan ito ng mga tao mapatama man yan o mali.
Bakit nya isisisi ang pag lagapak ng ekonomiya ng Pilipinas sa Judiciary? Na madaling salita, walang kontrol ang Judiciary sa budget ng Pilipinas? Na sya mismo ang may kontrol sa budget ng Pilipinas na sya mismo ang nag desisyon na ikontrol sa overspending ng budgetr at ilagay ito sa tamang panahon sa pag gastos? Ang nangyari, bumulusok pababa ng ekonomiya na dapat lamang isisi ito sakanya. Hugas kamay naman ang kanyang inasal sa media forum na sinisi naman nya ang pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas sa Judiciary? Paulit-ulit kung sasabihin to na ang paninisi nya ay hindi tamang gawi ng isang Pangulo ng Pilipinas. Bakit pa naging Pangulo sya ng Pilipinas kung hindi nya masolusyonan ang mga problema. Hugas kamay naman ang kanyang inasasta maprotektahan lamang ang kanyang iniingatan tiwala ng masa. Sinisi nya ang SC dahil sa pag harang daw nito sa tamang daan? Ano naman ang kinalaman ng SC sa ekonomiya ng Pilipinas? Ulit, iresponsable na naman na pangulo ang aking nakita.
Ang akin lamang, wag naman sya mag hugas kamay sa mga kabiguan nya bilang isang Pangulo ng Pilipinas at huwag naman isisi nya sa iba. Naging Pangulo sya ng Pilipinas upang tugunan ang pangangailangan ng bansa at hindi sa iresponsableng pamamaraan nya bilang isang Pangulo. Huwag naman nya sayangin ang tiwala ng mga tao na nasa kamay pa nya, gamitin naman ito nya ng tama at naaayon sa batas.









